Sinibak ng Office of the Ombudsman sa serbisyo si incumbent Bacolod City Mayor Evelio Leonardia at siyam na iba pang opisyal ng lungsod dahil sa sinasabing maanomalyang pagbili ng P50 milyon halaga ng furnitures para sa City Hall noong 2008.

Kabilang sa sinibak sina Bids and Awards Committee (BAC) Chairperson Goldwyn Nifras, secretary to the mayor; Vice Chairperson Luzviminda Treyes, city budget officer; at miyembrong si Nelson Sedillo, Sr., hepe ng Department of Public Service; Eduardo Ravena, city accountant; Jaries Ebenizer Encabo, city engineer; Belly Aguillon, city engineer; at Aladino Agbones; BAC Secretariat Chief Melvin Recabar; at Annabelle Badajos, city treasurer.

Sa desisyong pirmado ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sinabi niyang napatunayang nagkasala ang sampu sa grave misconduct at gross neglect of duty sa pagsasabwatan umano sa ilegal na pagbili ng furnitures.

Kinansela ang mga benepisyo, civil service eligibility at hindi na makapagtatrabaho sa gobyerno, iniutos din ng Ombudsman na kasuhan ng graft ang mga akusado. - Rommel P. Tabbad

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador