Nina Genalyn D. Kabiling at Beth Camia

Umapela ang Malacañang sa mga grupong tumutuligsa sa reproductive health program ng pamahalaan na “open mind” sa kabila ng mga paniniwala sa relihiyon.

“Ang panawagan po natin sa kanila is ano, to have a broader and a more open mind, hindi lang po basta pure --- ‘yung basta sa, coming from ideology,” pahayag ni Presidential spokesman Ernesto Abella.

“Kailangan po siguro na mag-evolve rin ang pagiisip ng certain sectors in society to become ano, na maging mas bukas sila at maintindihan nila ang kalagayan ng tao,” dagdag niya.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sinabi rin ni Abella na hindi niya binabalewala ang pananalig ng bawat indibiduwal ngunit “we need to be able to be more responsible even with our faith.”

Kamakailan lamang ay pinapurihan ng United Nations Population Fund (UNFPA) ang Executive Order (EO) No. 12 sa pagpapaigting sa reproductive health program.

Nauna rito, nilagdaan ng Pangulo ang EO 12 na nagpapatupad ng reproductive health program na makapipili ang mga mag-asawa ng mga paraan sa tamang pagpaplano ng pamilya.