NAGSAMPA na ng reklamo ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) laban sa Oro nitong Miyerkules sa Pasig City Hall of Justice. Sinampahan ng kaso ang producer, ang director na si Alvin Yapan at dalawa pang tao sa production ng pelikula.

Kasama ng PAWS executive director na nagsampa ng kaso bilang witness ang MMFF marketing committee member na si Ida Tiogson at ang aktres na si Japo Parcero.

Violation sa Republic Act 8485 (Animal Welfare Act) as amended by RA10631 ang kasong isinampa sa mga nabanggit.

Sa huling interview kay Direk Alvin, itinanggi niyang may pinatay na aso sa shoting ng Oro. Hindi rin siya nag-utos na pumatay ng aso at wala umanong tinorture na aso para sa pelikula. (NITZ MIRALLES)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'