Marami ang nagsasabing malas ang Friday the 13th dahil may mga nangyayaring hindi maganda. At isa na nga rito ang sinapit ng isang lalaki na pinagbabaril at pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Port Area, Maynila.

Eksaktong 12:00 ng hatinggabi kahapon pinagbabaril at pinatay ng mga suspek ang biktimang inilarawang nasa edad 15 hanggang 20, nakahubad, nakasuot ng berdeng shorts, brown ang buhok at walang sapin sa paa sa Block 1, Dubai Street, Baseco Compound sa Port Area.

Ayon kay Salve Palacio, residente ng nasabing lugar, natutulog na siya noong mga oras na iyon nang makarinig ng mga putok ng baril mula sa labas ng kanyang bahay.

Kaagad umano siyang dumungaw sa bintana at dito na niya nakita ang duguang biktima na may tama ng bala sa ulo at kanang braso.

Metro

‘Don’t be like Brice Hernandez!’ Sec. Dizon, nagbabala sa kabataang papasok sa DPWH

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima, gayundin ng mga suspek. (MARY ANN SANTIAGO)