STO. TOMAS, Batangas - Patay ang isang kagawad ng barangay makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang papasakay ng kotse sa palengke ng Sto. Tomas sa Batangas.
Tinamaan ng bala sa ulo si Joker Javier, 32, kagawad ng Barangay Pagaspas, Tanauan City.
Ayon sa report ni SPO2 Jose Roy Malapascua, dakong 2:28 ng hapon nitong Huwebes at pasakay si Javier sa kanyang Mitsubishi Gallant (UCJ-358) nang pagbabarilin siya ng suspek sa parking area ng Sto.Tomas Public Market sa Bgy. Poblacion II.
Sakay sa silver na Honda CRV, tumakas ang suspek patungong Bgy. Poblacion IV. (Lyka Manalo)