Encantadia - Gabbi Garcia as Alena, Glaize de Castro as Pirena, Kylie Pa... copy

MULING pinatunayan ng GMA Network nitong 2016 ang pagiging number one sa TV ratings sa buong bansa, ayon sa full year data ng Nielsen TV Audience Measurement.

Mula Enero hanggang Disyembre 2016 (base sa overnight data ang Disyembre 25 hanggang 31), naitala ng GMA ang total day people audience share na 37.3 percent sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement), na mas mataas sa 37.1 percent ng ABS-CBN.

Nasungkit ng GMA ang nationwide lead mula sa ABS-CBN base sa people shares noong Setyembre 2016. Mula noon, nanatili pa ring number one ang network at lalo pang tumaas ang lamang sa mga sumunod na buwan.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ang mahusay na performance ng GMA noong ikaapat na quarter ng 2016 ang nakapagpatibay sa pagkakapanalo nito sa full year ratings noong nakaraang taon. Nakakuha ng 40.3 percent ang Network sa ikaapat na quarter, lamang ng 5.1 points sa ABS-CBN na may 35.2 percent.

Mula sa 5.1-share point lead ng Network sa ABS-CBN noong Nobyembre sa NUTAM, naitala ng GMA ang pinakamalakas nitong performance sa taong 2016 noong Disyembre kung saan 41.7 percent ang naging people audience share nito. Lumalabas na 7.8 points ang lamang ng Network sa ABS-CBN na may 33.9 percent.

Nanatili ring number one ang Encantadia sa buong bansa nitong nakaraang buwan. Pinangunahan nito ang iba pang Kapuso entries na bumuo sa karamihan sa listahan ng mga top-rating programs at specials noong Disyembre.

Bukod sa Encantadia, nasa top 10 din ang Alyas Robin Hood, 24 Oras, Pepito Manaloto, Kapuso Mo, Jessica Soho, Magpakailanman, at Hay Bahay.

Kasama rin sa listahan ng mga pinakatinatangkilik na programa sa NUTAM ang Tsuperhero, 24 Oras Weekend, Someone to Watch Over Me, Kapuso Movie Night, Lipad sa 2017 (Kapuso New Year Countdown), Wowowin, The Magic of Christmas (Kapuso Christmas Special), Eat Bulaga, Sunday PinaSaya, Imbestigador, Pepito Manalotalk 2016, at Superstar Duets.

Sa Urban Luzon, napanatili ng GMA ang pagiging number one nang umabot sa 42.6 percent ang people share nito para sa full year 2016. Umabot sa 11.2 points ang inilamang nito sa katunggaling may 31.4 percent. Nanaig ang GMA laban sa ABS-CBN sa lahat ng day parts sa Urban Luzon mula Enero hanggang Disyembre 2016.

Samantala, magsisimula ngayong 2017 ang bagong inaabangang line-up ng mga programa ng Kapuso Network. Naipalabas na ang Meant to Be at susunod na ang unang serye nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours, at ang Filipino adaptation ng koreanovelang My Love From The Star na tatampukan naman nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.