Nananatiling pasado ang administrasyong Duterte sa mga Pilipino sa larangan ng pagresolba sa mga problemang kinakaharap ng bansa, base sa bagong survey ng Pulse Asia nitong Biyernes.

Isinagawa nitong Disyembre 6-11, 2016 at sa pakikiisa ng 1,200 adult sa buong bansa, lumalabas na nakakuha ng mataas na performance rating ang Duterte administration sa pag-aksiyon sa mga isyung kinakaharap ng mga Pilipino.

Ayon sa Pulse Asia, 84 na porsiyento ang sumasang-ayon sa kampanya ng gobyerno laban sa kriminalidad, habang 4% ang hindi sang-ayon.

Dahil dito, pumalo sa +80 ang net approval rating ng pamahalaan, gayunman bahagyang mababa ito kumpara noong Setyembre 2016 poll na pumalo sa +86 ang net approval.

Metro

‘Don’t be like Brice Hernandez!’ Sec. Dizon, nagbabala sa kabataang papasok sa DPWH

Pasado rin sa mga Pinoy ang pag-aksiyon ng gobyerno sa disaster response sa 80%, na mayroong +78 net approval score; OFW welfare sa 75% (+72); at kurapsiyon sa 76% (+68).

Sinundan ito ng kapayapaan sa 72% (+66); environment sa 69% (+63), rule of law sa 69% (+62), at territorial defense sa 65% (+58).

Samantala, pagdating sa pagkakaloob ng magandang trabaho, ito ay umani ng 58% (+49), tamang pagpapasuweldo sa 5% (+44), at pakikipaglaban sa kahirapan sa 51% (+35). (Vanne Elaine P. Terrazola)