Tatlong katao ang magkakasabay na inaresto ng mga tauhan ng Makati City Police sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod na ito, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek na sina Nico Mazo y Ybanes, alyas “Nico”, 20, ng No. 004 Sunrise Street; Joey Domdoma y Abletes, alyas “Joey”, 30, ng No. 27 Davila St.; at Mary Joy Garica y Vitug, alyas “Joy”, 22, ng No. 004 Sunrise St., ng Bgy. La Paz, Makati City.

Sa ulat na natanggap ni Makati City Police chief Senior Supt. Milo Pagtalunan, dakong 12:15 ng madaling araw isinagawa ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ang operasyon sa lugar ng mga suspek.

Isang pulis ang tumayong poseur buyer at naging matagumpay ang kanyang transaksiyon sa tatlong suspek na naging sanhi ng kanilang pagkakaaresto.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa laban kina Mazo, Domdoma, at Garica. (Bella Gamotea)