Isang bangkay ng sanggol, sinasabing premature, ang nadiskubre sa gate ng isang simbahan sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Police Supt. Jerry Corpuz, officer-in-charge ng Manila Police District (MPD)-Station 6, dakong 7:40 ng gabi nadiskubre ng guwardiyang si Dante Condez, 48, ang lalaking sanggol sa harap ng Our Lady of the Abandoned Church na matatagpuan sa New Panaderos Street sa Sta. Ana.

Isasara na umano ni Condez ang gate ng simbahan nang mapansin niya ang isang plastic bag na may lamang kahon ng sapatos.

Kaagad umanong tiningnan ng guwardiya ang laman ng kahon at bumulaga ang bangkay ng sanggol na tinatayang nasa pito hanggang walong buwang gulang.

National

VP Sara, nagpunta sa DOJ para sa imbestigasyon ng ‘kill remark’ niya kina PBBM

Kalakip nito ang isang liham na nagsasabing, “Ako po ay humihingi ng tulong na mailagay ang batang ito sa dapat niyang kalagyan. Siya po ay aming natagpuan sa isang bakanteng upuan sa bus. Maraming salamat po.”

Kaagad namang dinala ni Condez ang sanggol sa tanggapan ng MPD-Station 6 upang maimbestigahan.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang nag-iwan ng sanggol. (Mary Ann Santiago)