ARA copy copy

NAKARATING sa GMA Network management ang hinaing ni Ara Mina sa poduction team ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, na ipinost niya sa Instagram last January 6.

Ibinulalas ni Ara sa nasabing post ang kanyang sama ng loob sa produksiyon ng serye na aniya’y hindi maganda ang trato sa kanya bilang artista. Sabi ni Ara, “Na-experience ko ang pinaka-disappointing na pangyayari sa career ko. I have never felt slighted and devalued like how I am feeling right now” kaya “I cannot allow them to devalue me any further.”

Aniya, pinapaasa siya sa isang project na walang katiyakan kung matutuloy pa. Naging dahilan ang project na ito ng hindi niya pagtanggap ng ibang commitment sa ibang network.                                                          

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

                                                                                         

Pero nitong nakaraang Huwebes, January 12, nag-iba na ang ihip ng hangin. Ayon sa aktres, kinausap siya ng isang ehekutibo ng network at pinakinggan ang kanyang saloobin hanggang sa naging positibo ang resulta ng kanilang pag-uusap.

Aniya’y naayos na ang lahat ng ‘di pagkakaunawaan sa production team ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, at matutuloy na ang pagganap niya bilang nanay ni LJ Reyes.                                             

Ito ang inilabas na statement ni Ara:

“A lot of you may have seen my post on social media a few days ago about my decision to quit a project that I’m currently involved in.

“I would like to thank those who have shown their concern and support; sa mga nag-comment at nag-message sa akin. As I’m writing this, I would like to assure all of you that I am okay. Although, I admit, the past few days, hindi talaga.

“One of the top heads of the network spoke with me and we had a long and elaborate talk. I told her in all honesty how I felt and how it brought me to my decision to quit.

“Hindi naman ako mababaw na tao at may rason ang lahat. Kaya sinabi ko na rin ang pinaggagalingan ng lahat ng emotions ko. During the conversation, I was assured of several things, which I will not mention anymore. I just asked for enough time to think it over.”

Maayos ang naging usapan nina Ara at ng lady executive na hindi na niya pinangalanan, at nagdesisyon siyang ituloy ang trabaho sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa. 

Patuloy pang pahayag ni Ara, “Now, I want to let you know that I have decided to go on with the project.This decision is not very easy to make kasi nasabi ko na ang mga nasabi ko. But, I appreciate my boss for reaching out to me and understanding my sentiments.

“More than anything, I am always for peace.

“Everything’s okay now, all misunderstandings have been ironed out. I will finish the show. Thank you to all my big bosses who made me feel that they value me as an artist at sa lahat ng nakaintindi. I thank God that He gave me peace.”

Makakasama ni Ara sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa sina Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, Martin del Rosario, at Jean Garcia. (ADOR SALUTA)