Nagbabala si Senate Majority Leader Vicente Sotto III na haharangin niya ang kumpirmasyon ni Health Secretary Paulyn Jean Rossel Ubial dahil sa pagsusulong nito ng pamamahagi ng condom sa mga estudyante upang maiwasan ang pagkalat ng HIV/AIDS.

Sinabi ni Sotto na isang krimen ang pamamahagi ng condom sa mga high school student dahil “nanghihikayat” ito ng relasyong sekswal sa kabataan.

Iginiit ni Sotto na ang tunay na problema sa bansa ay ang mahinang implementasyon ng Reproductive Health law. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Sinetch itey? ‘Artistang may guaranteed contract, tanggi nang tanggi sa teleserye’—Ogie Diaz