WASHINGTON (AFP) – Nagbabala ang Human Rights Watch (HRW) noong Huwebes sa pag-angat ng populist politicians sa United States at Europe na ayon dito ay banta sa modern rights movements at sa demokrasya.
Sa 704-pahinang “World Rights 2017” annual report nito, tumatalakay sa mga pangunahing kaganapan sa mundo sa mga karapatang pantao at sa kalagayan ng 90 bansa, tinukoy ng HRW si US President-elect Donald Trump na “a vivid illustration of (the) politics of intolerance.” Kapag nagtagumpay ang mga ganitong boses, saad sa ulat, “the world risks entering a dark era.”
Ayon sa ulat, ang pagkapanalo ni Trump ay sumasalamin sa mapanganib at lumaking “infatuation with strongman rule” na nasasaksihan rin sa Russia, China, Venezuela, at Pilipinas.
Sinabi ng HRW na sinasamantala ng mga pulitiko, gaya ni Trump, ang “cauldron of discontent” sa kawalan ng mga trabaho, pag-atake ng mga terorista, at tumataas na ethnic at racial diversity upang gawing kasangkapan ang mga refugee, immigrant at minority. At ang katotohanan ang madalas na nagiging “casualty.”
Ang pinakamabisang panlaban sa pag-angat ng populism, ayon sa ulat, ay ang pagiging aktibo ng publiko. “Populists thrive in a vacuum of opposition. A strong popular reaction, using every means available... is the best defense,” saad dito.