BILANG paggunita at pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-161 anibersaryo ng kapanganakan ni Graciano Lopez-Jaena (Disyembre 18, 1856–2017), isasagawa ang taunang patimpalak ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pagsasalin ng pinakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan na may temang “Salin Na! Lopez Jaena 2017.”

Tampok sa taong ito ang mga akdang Fray Botod, A Rizal, sobre España en Filipinas, El Fili, superior al Noli:

analisis de aquella novella, Politica europea y Americana, Los indios de Filipinas at iba pang piling akda sa Discursos Y Articulos Varios na nakasulat sa wikang Español.

Ang pagsasalin ay mula sa Español tungong Filipino at kailangang orihinal na likha ng kalahok at hindi pa nailalathala sa alinmang publikasyon.

Tsika at Intriga

Robi Domingo, naurirat sa naging 'heated encounter' nila ni John Lloyd Cruz

Agosto 17, 2017, ang huling araw ng pagsusumite ng salin at tatanggap ng P80,000 at plake ng pagkilala ang tatanghaling pinakamahusay na salin.

Bukas ang timpalak sa lahat, kabilang nag mga dayuhan na marunong mag-Filipino. Matatagpuan sa website na www.kwf.gov.ph ang buong detalye ng timpalak. (DIANARA T. ALEGRE)