WASHINGTON (AFP) – Binira ng napiling secretary of state ni Donald Trump na si Rex Tillerson ang China noong Miyerkules sa kanyang Senate confirmation hearing, nagbabala na magbibigay ang US ng ‘’clear signal’’ na kailangang abandonahin ng Asian giant ang mga artipisyal na isla nito sa South China Sea.

‘’We’re going to have to send China a clear signal that, first the island building stops, and second, your access to those islands is also not going to be allowed,’’ ani Tillerson sa US Senate Foreign Relations Committee.

Pinagmulan ng mga tensiyon sa rehiyon ang paggawa ng Beijing ng mga artipisyal na isla sa mga reef at islet sa South China Sea at pagkatapos ay pinatayuan ito ng mga pasilidad ng militar.

Sinabi ng dating hepe ng ExxonMobil, na ‘’illegal actions’’ ang pagtatayo ng China ng mga gusali sa mga pinagtatalunang karagatan at ang pagdeklara nito ng air defence identification zone sa Senkaku islands, na kontrolado ng mga Japanese, sa East China Sea.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

‘’They are taking territory or control or declaring control of territories that are not rightfully China’s.’’

Idinagdag ni Tillerson na ‘’building islands and then putting military assets on those island is akin to Russia’s taking of Crimea.’’