Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

8:30 n.u. -- EAC vs Mapua (srs/w)

11:30 n.u. -- Lyceum vs Perpetual Help (w/srs/jrs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

NAPANATILI ng San Sebastian College ang malinis na marka nang pabagsakin ang University of Perpetual Help, 25-22, 25-13, 25-13, nitong Miyerkules para makausad sa semifinals ng NCAA Season 92 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Kumawala si reigning back-to-back MVP Grethcel Soltones sa depensa ng karibal para maitumpok ang 18 puntos at sandigan ang Recto-based squad sa 7-0 karta.

Umusad ang Lady Stags para makuha ang outright Finals berth at ang premyong thrice-to-beat.

Naiganti naman ng Arellano University ang kabiguan sa defending champion College of St. Benilde, 25-21, 25-21, 25-21.

Sumandal ang Lady Chiefs, napatalsik ng Lady Blazers sa step ladder semifinals sa nakalipas na season, kina Rialen Sante, Jovielyn Prado at Erica Calixto.

“One year naming dinamdam ‘yun (talo namin sa semis), so talagang naging motivation sa amin ‘yun, naging aral sa amin,” pahayag ni Arellano coach Obet Javier.

Nakopo ng Lady Chiefs ang ikaanim na sunod na panalo para sa 6-1 karta, habang bumagsak ang Lady Blazers sa 5-2.

Sa pagbabalik ng aksiyon ngayon, target ng Arellano na patatagin ang kampanya sa pakikipagtuos sa Perpetual Help.

Maghaharap ang Lady Pirates at ang Lady Altas sa tampok na women’s match ganap na 11:30 ng umaga pagkatapos ng unang laro sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College at Mapua ganap na 9:30 ng umaga.

Sa unang salpukan, kapwa wala na sa kontensiyon, mag- uunahang makapagtala ng panalo ang Lady Generals at Lady Cardinals na parehas wala pang panalo matapos ang tig- pitong laro.

Bago ang laban ng EAC at Mapua, magtutuos ang kanilang men’s squads kung saan patatagin ng Cardinals (4-3) ang tsansang umabot ng semifinals sa pagtatapat nila ng Generals na winless pa rin matapos ang pitong laban.

(Marivic Awitan)