Inihayag kahapon ng Supreme Court (SC) na maaaring ipatupad ng gobyerno ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 dahil wala namang restraining order laban sa kontrobersiyal na batas.

Paliwanag ni SC Spokesman Theodore O. Te, ang desisyon ng kataas-taasang hukuman noong Agosto 2016 ay para katigan ang TRO na una na nitong ipinalabas kaugnay ng pagbili at pamamahagi ng Department of Health (DoH) ng mga contraceptive implant, gaya ng Implanon at Implanon NXT, at hindi laban sa mismong RH Law.

“I’ve already clarified many times that there is no TRO against the RH law,” giit ni Te.

Muling lumutang ang tungkol sa TRO ng Korte Suprema makaraang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 12 na nagtatakda sa agresibong mga hakbangin ng gobyerno upang mapakinabangan ng mamamayan, partikular ng mahihirap, ang mga programa sa pagpaplano ng pamilya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasabay nito, hinimok naman si Pangulong Duterte ng mga opisyal ng Simbahan na respetuhin ang desisyon ng SC sa pagpapatigil sa implementasyon ng RH Law.

Sa isang text message, umapela si Malolos Bishop Jose Oliveros kay Duterte na hintayin na lang ang pinal na desisyon ng Korte Suprema tungkol sa legalidad ng RH Law bago ipatupad ang mga probisyon nito, dahil maaari itong makaapekto sa mga hindi pa naisisilang.

“Duterte should respect the decision of the Supreme Court which aims to support the Constitution on respect of human life even from its beginning in the womb of the mother,” ani Bastes. “The TRO is to avoid abortifacient contraceptives.” (REY PANALIGAN at SAMUEL MEDENILLA)