Muling ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang paglilitis sa kasong pandarambong ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. kaugnay sa pork barrel fund scam.

Inilipat ng 1st Division ng anti-graft court sa Pebrero 9 ang paglilitis at kinansela ang mga nakatakdang pagdinig sa Enero 19, 26 at Pebrero 2, matapos ipag-utos na itama ng prosecution panel ang kanilang pre-trial brief.

Inihayag ni prosecutor Joefferson Toribio na aabot sa 119 na testigo ang kanilang ihaharap sa korte laban kay Revilla, kabilang ang 77 diumano’y benepisaryo ng “ghost projects” na pinondohan ng pork barrel fund ng dating senador. (Rommel P. Tabbad)

‘Bullying needs to stop now!' Rabiya Mateo na-diagnose na may depression, anxious distress