Nag-alok ang Japan ng one trillion yen aid package para sa Pilipinas sa susunod na limang taon upang pasiglahin ang kalakalan at ekonomiya ng bansa.
Inihayag kahapon ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang malaking ayudang pinansiyal matapos ang summit talks nila ni Pangulong Duterte sa Malacañang.
Dumating si Abe sa Maynila kahapon para sa dalawang-araw na official visit na kinabibilangan ng pagtungo sa Davao City ngayong Biyernes.
“For the further development of the Philippine, we will create business opportunities through ODA (official development assistance) and private sector investments which together will be of the amount of 1 trillion yen for the next five years,” sabi ni Abe. (Genalyn D. Kabiling)