Patay ang isang ginang habang sugatan naman ang kanyang mister makaraan silang pasukin at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dahil sa mga tama ng bala sa katawan, hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Shailou Dula, 46, ng Gate 8, Area B, Parola Compound, Tondo, Maynila

Sugatan naman ang kanyang mister na si Emil Dula, 48, technician, ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Leo Afable ng Manila Police District (MPD)-Station 2, dakong 3:15 ng madaling araw, nahihimbing ang mag-asawa nang pasukin sila ng suspek at pinaulanan ng bala bago mabilis na tumakas.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Narekober sa pinangyarihan ang pitong basyo ng kalibre .9mm na baril. (Mary Ann Santiago)