DAVAO CITY – Aabutin ng $9 billion ang pagpapagawa sa 1,500-kilometrong Mindanao Railway System, ayon sa Mindanao Development Authority (MinDA).

Sinabi ni MinDA Director for Investment Promotion and Public Affairs Romero Montenegro na isinasapinal na ng kanilang mga consultant ang feasibility study sa railway system na mag-uugnay sa mga pangunahing lugar sa isla, gaya ng Cagayan de Oro, Iligan, Zamboanga, Butuan, Surigao, General Santos, at Davao.

Dagdag pa ni Montenegro, iminungkahi rin ng Department of Transportation (DoTr) ang pagtatatag ng Mindanao Railway Corp. na mangangasiwa sa railway system.

Nagpahayag na rin ng interes na mag-bid sa proyekto ang ilang mamumuhunang Japanese at Chinese, ayon kay Montenegro.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Magdaraos din ng workshop ang MinDA sa susunod na buwan upang kumpletuhin ang listahan ng mga posibleng proyekto na popondohan ng gobyerno ng Japan, sa pamamagitan ng Japanese International Coordinating Agency (JICA).

(Antonio L. Colina IV)