Nakumpirma sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na mas maraming Pilipino ang hindi kaisa ng Pangulo sa pagbibigay ng tiwala sa mga bagong diplomatic partner ng bansa, ang China at Russia, dahil nananatiling pinakapinagkakatiwalaan ng mga Pinoy ang United States (US).

Sa nasabing survey, tinanong ang 1,200 adult noong Disyembre 6-11, 2016 kung alin sa limang pinakamakapangyarihang bansa ang kanilang pinagkakatiwalaan, lumalabas na 76 na porsiyento sa mga Pilipino ang nagsabing malaki pa rin ang kanilang tiwala sa US. Sa nabanggit na bilang, 24% rito ang nagsabing mayroon silang “a great deal of trust,” habang 52% ang nagsabing “a fair amount of trust.”

Ito ay sinundan ng Japan na may 70% trust rating, 17% sa mga ito ang nagsabing “a great deal of trust,” at 53% ang nagsabing “a fair amount of trust.”

Sa kabilang dako, lumalabas sa nasabing survey na hindi kumbinsido ang mga Pinoy sa mas pinatitibay na ugnayan ng bansa sa China at Russia, sa pagkakaroon ng 38% trust rating (7% ang nagsabing “great trust”, at 30% ang may “fair trust” sa China; habang 5% ang nagsabing “great trust”, at 33% ang “fair trust” para sa Russia).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

(Vanne Elaine P. Terrazola)