Nagpahayag kahapon si Vice President Ma. Leonor “Leni” Robredo na hindi problema para sa kanya ang pagbawi ng imbitasyon ng Malacañang para sa unang Vin d’Honneur ni Pangulong Duterte, pero nagpahayag siya ng pagkabahala na hindi, aniya, nabigyan ng kaukulang respeto ang kanyang opisina.
“For me, it’s not big deal if I will be invited or not. I’m disheartened by the manner how things are being handled,” sabi ni Robredo, dating housing czar, sa mga reporter na nag-interbyu sa kanya sa Tondo, Manila.
“If they’re angry at me, they are angry at me, but I just hope they would respect my office,” dagdag niya.
Wala si Robredo sa okasyon sa Palasyo kamakalawa. Pinadalhan siya ng imbitasyon noong Disyembre 28, pero sinabihan noong Enero 4 na huwag nang dumalo dahil “limited seats” lamang ang nakalaan sa mga bisita.
Ang Vin d’Honneur – tradisyonal na pagtitipon sa imbitasyon ng Presidente – ay dinadaluhan ng mga kalihim ng Gabinete, foreign diplomats, at iba pang opisyal ng pamahalaan.
“My chief of staff called me. He told me, ‘There was in invitation. Are you going to attend?’ I said if we were invited, we would attend,” sabi ng Bise Presidente.
Pero sa pamamagitan ng isang text message mula sa Malacañang ay sinabihan si Robredo na hindi na siya imbitado sa pagtitipon. (Raymund F. Antonio)