CAUAYAN CITY, Isabela – Nais ng ilang opisyal ng Sangguniang Panlungsod ng Cauayan City na ipagbawal ang paggamit ng electronic cigarettes o e-cigar sa mga menor de edad upang maprotektahan ang kalusugan ng mga ito.
Isa si Sangguniang Panlungsod Member Arco Meris sa mga naghahangad na magpasa ng ordinansa na magbabawal sa mga menor de edad na bumili at gumamit ng e-cigarette.
Makikipagpulong din si Meris, kasama si Mayor Bernard Faustino Dy, sa mga may-ari ng mga tindahang nagbebenta ng e-cigarettes, gayundin sa mga opisyal ng mga eskuwelahan upang maipaliwanag ang masamang dulot ng e-cigar sa mga bata. (Liezle Basa Iñigo)