CAMILING, Tarlac - Hindi akalain ng mga kaibigan ng isang 35-anyos na binatang taga-Abra na hahantong sa kamatayan ang pagdalaw niya sa ama sa bayan ng Camiling, Tarlac matapos siyang malunod sa Biating Creek nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa report ni PO3 Mario Simon, Jr., dumalaw si Joel Villegas, ng Zone 5, Bangued, Abra sa bahay ng kanyang amang si Johnny Villegas sa Barangay Sinilian 3rd sa Camiling, gayundin sa ilang kaibigan niya sa lugar.

Sinabi nin PO3 Simon na namimitas ng saging si Ruben Agustin, 57, may asawa, ng Bgy. Cabanabaan, nang madiskubre niya ang nakalutang na bangkay ni Joel sa Biating Creek.

Pinaniniwalaang naligo at nalunod ang biktima. (Leandro Alborote)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match