IILAN lamang ang mga publication na nagsasabing ang Davao ay isang major-destination.
Isang dahilan ito upang malayo ang mga mambabasa sa napakaraming amenities na maipagmamalaki ng rehiyon at itaboy ang mga manlalakbay sa mga natatangi at kaakit-akit na mga lugar na tanging sa Davao City lamang matatagpuan.
Para sa record, pagmamay-ari ng Davao ang dalawang Guinnes World Records: ang Monfort Bat Sanctuary, sa Island Garden City ng Samal, na tahanan ng isang malaking colony ng 2.3 milyong paniki at ang lugar kung saan pinakamalaki ang populasyon ng na tao na umiihip ng torotot sa taunang selebrasyong ng Torotot Festival. At siyempre pa sinubok rin ng Dabawenyo na ipasok ang durian sa Guinnes record ngunit sa dalawang pagkakataon ay nabigo ito.
Ang rehiyon ay tahanan rin ng pinaka-rare na orchid sa buong mundo at tinaguriang pambansang bulaklak, ang waling-waling at Rafflesia mira, na tinaguriang pinakamalaking bulaklak sa mundo na matatagpuan sa Maragusan, Compostela Valley Province. Sa silangang bahagi ng rehiyon matatagpuan naman ang Mount Hamigitan ng Davao Oriental, ang tinaguriang dwarf forest at world heritage site ng UNESCO.
Maaari ring bisitahin ng mga manlalakbay ang tinaguriang world’s largest Rosary sa Tagum City, na binubuo ng beads na inukit mula sa ironwood ng Pilipinas. Bawat isang bead ay tinatayang 32 kilos at mahigit dalawang tonelada ang kabuuang bigat ng Rosary.
Ang dalawang key economic landmarks sa rehiyon ay ang Tadeco Farm, na tinaguriang pinakamalaking plantasyon ng saging sa buong mundo, ay matatagpuan sa Tagum City, at tinatayang 10,000 ektarya ng lupa ang laki at ang gold-rush Mt. Diwata, Monkayo sa Compostela Valley, na pinaniniwalaang umaani ng US$25 bilyon halaga ng ginto noong buhay at aktibo pa ang bundok.
Siyempre, nagkalat ang world-class tourism. Sa amal Island, ang sikat na Pearl Farm Resort na pagmamay-ari ng Floirendos ang nananatiling pinakamahal na destinasyon sa rehiyon. Ang isa pang itinatayong world-class ay ang 37 ektaryang Dusit-branded Lubi Plantation sa Kopiat Island, Compostela Valley.
Bukod sa usual amenities, kilala ang Davao sa mga marerespetong driver na nagbibigay ng tamang... sukli sa kani-kanilang pasahero. Ipinagbabawal na rin ang pag-inom ng alak isang oras bago sumapit ang hatinggabi, pagbi-videoke, maliban sa espesyal na okasyon, paglampas ng 10:00 ng gabi.
Biniyayaan ang Davao ng kalikasan na naging sanhi upang makilala ito.
Hindi lamang ang kaligtasan, buong puso ring tinatanggap ang mga turista at hinahainan ng masasarap na pagkain.(Johnny Dayang)