CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Inaasahan ng pamunuan ng Nueva Ecija University of Science & Technology (NEUST) na dadami ang mga magbabalik-kolehiyo sa pagpapatupad ng libreng tuition fee sa lahat ng state universities and colleges (SUCs) sa bansa.

Ayon kay NEUST President Feliciana Jacoba, kung noon ay nasa 25,748 ang nakapag-aral sa pamantasan, ngayon ay nabawasan na ito sa 19,990 dahil sa implementasyon ng K to 12 program, sa kabila ng iba’t ibang scholarship programs. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?