LIMA, Peru (AP) – Nananawagan ang anti-corruption officials sa tatlong nakalipas na pangulo ng bansa na tumestigo kaugnay sa diumano’y panunuhol ng Brazilian construction conglomerate na Odebrecht.

Sinabi ni Comptroller Edgar Alarcon sa news conference noong Miyerkules na pumasok ang Odebrecht sa 23 public works projects simula 1998 na nagkahalaga ng $16.9 billion. Labing-anim sa mga ito ay na-audit at natukoy ng mga awtoridad ang ilang iregularidad, kabilang ang unjustified cost overruns at pagpapatawad sa mga parusa para sa contractual breaches na naghahahalaga ng $283 million.

Naunang sinabi ng isang mataas na anti-corruption official na nais nitong tumestigo ang tatlong dating pangulo – sina Alejandro Toledo, Alan Garcia at Ollanta Humala – kaugnay sa maanomalyang kasunduan sa Brazilian builder at sa may-ari ng kumpanya na si Marcelo Odebrecht.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina