SYDNEY (AP) — Sa ikapitong sunod na season, bigo si dating world No. 1 Caroline Wozniacki na makausad sa quarterfinals sa Sydney Internationals.

Nitong Martes (Miyerkules sa Manila), walang pagbabago sa kapalaran ni Wozniacki nang mabigo kay Barbora Strycova, 7-5, 6-7 (6), 6-4, sa ilalim ng init ng araw at sa larong umabot ng tatlong oras at 19 minuto.

“It was brutal out there ... but you just try and think like you’re on a beach drinking pina coladas,” pahayag ni Wozniacki, patungkol sa mainit na klima dahilan sa pagkakasugat sa kanilang paa.

“That’s basically your train of thought. You know that it’s the same for both players, so I was just trying to mentally just try and keep cool.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Makakaharap ni Strycova ang mananalo sa duwelo sa pagitan nina second-seeded Agnieszka Radwanska at qualifier Duan Yingying.

Patuloy naman ang matikas na kampanya ni dating Wimbledon finalist Eugenie Bouchard matapos pabagsakin si Anastasia Pavlyuchenkova, 6-2, 6-3.

Mapapalaban ang Canadian star kontra Sydney-born Johanna Konta ng Britain, nagwagi laban kay Daria Kasatkina 6-3, 7-5.

Sa Auckland, New Zealand, umusad sa quarterfinal ng ASB Classic si American John Isner nang maungusan ang dating kampeon na si Malek Jaziri ng Tunisia, 6-3, 3-6, 7-6 (6).

Nasilat naman si four-time champion David Ferrer ni Robin Haas eng The Nehrelands, 6-2, 4-6, 7-6 (4).