Enero 12, 1932 nang ihalal si Ophelia Wyatt Caraway, isang Democrat mula sa Arkansas, bilang unang babaeng senador sa Amerika.
Si Caraway na isinilang sa Bakerville, Tennessee, ay iniluklok sa Senado upang pumalit sa posisyong iniwan ng kanyang asawa na si Thaddeus Horatio Caraway, dalawang buwan makaraang mamatay ito.
Dahil sa suporta ni Huey Long, isang makapangyarihang senador mula sa Louisiana, naihalal si Caraway sa nasabing posisyon.
Taong 1938 nang muli siyang maihalal sa nabanggit na posisyon. Matapos matalo sa sumunod na nominasyon noong 1944, inihalal naman si Caraway sa Federal Employees Compensation Commission sa pamamagitan ni President Franklin Roosevelt.
Bagamat siya ang unang babaeng senador, nauna na sa kanya sa Senado si Rebecca Latimer Felton noong 1922 upang punan ang bakanteng posisyon ngunit hindi siya sumabak sa eleksiyon.