MOSCOW (AP) — Pormal na ang pagbabalik aksiyon ni Maria Sharapova sa WTA sa pagsabak niya sa Germany sa Abril.
Ipinahayag ng car manufacturer Porsche, isa sa sponsor ni Sharapova, na binigyan ng wild-card entry ang Russian superstar para makalaro sa torneo sa Stuttgart. Pinatawan ng 15 buwang banned si Sharapova nang magpositibo sa ipinagbabawal na gamot na ‘meldonium’ sa nakalipas na Australian Open.
“I could not be happier to have my first match back on tour at one of my favorite tournaments,” pahayag ng 29-anyos na si Sharapova, kampeon dito mula 2012-14.
“I can’t wait to see all my great fans and to be back doing what I love.”
Opisyal ang pagbabalik ni Sharapova sa WTA sa Abril 26.
“I’m sure the fans will be excited to see her play,” sambit ni WTA CEO Steve Simon.
Kailangan ng Russian star ang wild-card invite sa mga torneo, kabilang ang Grand Slams – sa kasalukuyan – dahil awtomatikong napatalsik siya sa world ranking matapos maibaba ang desisyon ng banned.