NEW YORK (AP) – Nagbalik sa ensayo ng Knicks si All-Star guard Derrick Rose nitong Martes (Miyerkules sa Manila) at inaasahang lalaro sa pagsabak kontra Philadelphia 76ers.

Pinatawan siya ng multa, ngunit hindi isinapubliko ng New York Knicks management ang halaga nito.

Hindi naglaro ang one-time MVP sa Knicks nitong Lunes laban sa New Orleans Pelicans. Ang kanyang pagkawala ay walang abiso, ngunit sa panayam sinabi ni Rose na problema sa pamilya at hindi sa koponan o sa isyu ng basketball ang dahilan ng kanyang biglang paguwi.

Matapos ang ensayo, kaagad na nagbalik sa Chicago si Rose dahilan para maglaro ang Knicks na wala ang premyadong scorer. Nabigo ang Knicks.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I needed that space to myself and I needed to be around my mom,” aniya.

“That’s the first time I ever felt like that emotionally and I had to be with my family.”

Nangako si Rose na itutuon ang pansin sa basketball at gabayan ang Knicks sa panalo.

“Now I just want to focus. There’s too much on my plate right now. I’m just trying to focus on the season like I’ve been doing since I’ve been here. But I can’t go back in the past and talk about that. Everything’s fine.”

“I didn’t want any distractions to the team, especially what we have going on right now and I apologized to them,” pahayag ni Rose.