Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom) na masusi itong nakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) sa pagtugis sa mga suspek sa pamamaslang sa walong mangingisda sa isang bangka sa Laud Siromon sa Barangay Dita, Zamboanga City nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Army Major Filemon I. Tan, Jr., tagapagsalita ng AFP-WesMinCom, na nakikipagtulungan ang Marine Battalion Landing Team-11 sa pagtugis ng Zamboanga City Police Office sa mga suspek.

Una nang sinabi ni Col. Juvymax Uy, commander ng AFP Task Force Zamboanga, na tinitingnan nila ang posibilidad na extortion ang motibo sa pag-atake.

EXTORTION

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Extortion on fishermen, those who perpetrated the attack are lawless elements,” sabi ni Uy.

Nabatid na pinoproblema ng mga mangingisda ang pangingikil ng ilang armadong pirata.

Sinabi naman ng WestMinCom na kabilang din sa kanilang mga iniimbestigahan ang napaulat na agawan ng dalawang grupo ng mga mangingisda sa lugar.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang impormasyon na posible umanong may kaugnayan ang massacre sa pagkamatay ng isang magkapatid na hinihinalang kasapi ng Abu Sayyaf sa joint operation noong Nobyembre sa karagatan malapit sa pinangyarihan ng insidente.

SEA MARSHALS

Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapakalat ng mga sea marshal sa Moro Gulf sa Mindanao kasunod ng pag-atake ng mga pirata.

Ayon kay PCG Officer-in-Charge Commodore Joel Garcia, ang kanyang pahayag ay kasunod ng pag-atake ng mga pirata sa isang bangkang pangisda sa Siromon Island na ikinamatay ng walong katao. (FRANCIS WAKEFIELD, FER TABOY at BETH CAMIA)