INAMIN ng vocalist ng Paramore na si Hayley Williams na nahihirapan ang banda na makabuo ng bagong album. Noong 2013 sila huling naglabas ng kanilang album.
âFollowing up our self-titled album didnât seem like it was going to be an easy task and, unsurprisingly, it was not,â saad ni Williams sa kanyang mahabang post sa Instagram.
Ibinahagi ng 28-anyos na singer-songwriter ang kanyang struggles tungkol sa kanyang nakaraan, na nagpahirap sa kanyang lumikha ng mga awitin para sa banda.
âThe problem about comparing yourself to⌠yourself⌠is that even though itâs better than looking elsewhere, youâre still looking in the wrong direction. For me, it wasnât until I trusted that the past is finished with me that I could go looking for whatâs next,â ani Williams.
âOur pasts can be a great comforter, or a horror movie; a noose, or a shield⌠but it is âpastâ for a reason. After a rest, we have to go looking for whatâs supposed to come after that.â
Bagamat hindi sinabi ni Williams kung kailan ilalabas ang kanilang album, tiniyak niya na maglalabas sila ng bagong awitin kapag sila ay âgoodâ at âreadyâ na.
Nabigay ng pahiwatig ang two-person band tungkol sa kanilang bagong kanta noong Enero 2016.
Sina Williams at gitaristang si Taylor York na lang ang natitirang miyembro ng banda simula nang umalis si Jeremy Davis noong 2015.
Samantala, kumakalat naman ang mga haka-haka sa muling pagbabalik ng drummer ng banda na si Zac Farro na humiwalay naman noong 2010. Kumalat ito nang lumabas ang larawan na kasama siya ng banda, na may caption na: âLunch is over//Making an album.â (MB Entertainment)