revilla-copy

Magsisimula ngayong Huwebes, sa ganap na 8:30 ng umaga, ang paglilitis kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa Sandiganbayan First Division.

Hiniling na ng korte sa mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City na iharap sa korte ang akusado.

Sa produce order na may petsang Enero 10, isinulat ni First Division Clerk of Court Estela Teresita C. Rosete na ang PNP ay “hereby directed to produce accused Revilla and [Revilla’s senior aide] Richard A. Canabe before this Court, at the Sandiganbayan Building, Commonwealth Avenue cor. Batasan Road, Quezon City...for trial.”

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Fail not, under penalty of the law,” babala pa ng court order.

Nahaharap si Revilla sa mga kasong graft at plunder kaugnay ng umano’y maanomalyang paggamit sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2006 hanggang 2010.

Taong 2014 nang sampahan siya ng nasabing mga kaso, kasama ang dalawang noon ay kapwa senador na sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, dahil sa paglalaan umano ng kanilang pork barrel sa mga sinasabing pekeng non-government organization ng sinasabing utak sa scam na si Janet Lim Napoles. (Czarina Nicole O. Ong)