Karamihan sa mga Pilipino ay sumasang-ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi solusyon sa problema ng bansa ang martial law, base sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Lumalabas sa survey, isinagawa noong Disyembre 6-11, 2016 at isang buwan matapos ang sorpresang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Nobyembre 18, na 74 porsiyento ng mga Pilipino ay hindi sumasang-ayon na kinakailangan magdeklara ng martial law para masolusyunan ang problema ng mga bansa.

Aabot sa 1,200 adult sa buong bansa ang tinanong kung sila ay sumasang-ayon o hindi na “It may be necessary now to have martial law solve the many crises of the nation.”

Sa nasabing respondents, 12% lamang ang sumang-ayon (10% ang “agree,” habang 2% ang “very much agree”) na kinakailangan mag-martial law, habang 14% ang undecided. (Vanne Elaine P. Terrazola)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists