david-remo-birthday-charity-2016-3

SA diwa ng pagbibigayan at pasasalamat, ang ilang Kapuso stars na nagdiwang ng kaarawan nitong Disyembre ay pumili ng kani-kanilang beneficiaries na makakasama nila sa kanilang selebrasyon.

Dumayo ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa star na si LJ Reyes sa Payatas, Quezon City para bisitahin at makipaglaro sa mga estudyante ng Papaya Academy Inc. Nagdala si LJ ng pagkain, nakipagkuwentuhan at nakipagkulitan sa mga batang mag-aaral. Pagkatapos ng kasiyahan ay naalala ni LJ ang anak at ibinahagi ang kanyang birthday wish. “I pray that God can give me more time with Aki, kasi he’s getting more serious with school and sometimes I can feel the separation anxiety.”

Dinalaw naman ng Ika-6 Na Utos actor na si Mike Tan ang Infinite Blessed Home Care Center at ipinaramdam ang kanyang malasakit at pakikisama pagkatapos kantahan ang matatanda at nakisalo sa pagkain. Para sa Bagong Taon, humiling si Mike na makalibot sa buong Pilipinas at magkaroon ng oras kasama ang kanyang buong pamilya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sinamahan at nakipaglaro naman ang Kapuso child actor na si David Remo ang pre-school students ng Kaisahang Buhay Foundation. Sabay-sabay din silang kumain at kitang-kita kay David ang kaligayahan na kabahagi ng kanyang kaarawan ang mga estudyante. Sa murang edad ay natututo si David na ibahagi ang sa kapwa ang biyaya na kanyang natatanggap sa mga taong higit na nangangailangan.

Isang pasasalamat sa pamamagitan ng intimate jamming session naman ang inihandog ni Migo Aldecer para sa kanyang loyal supporters. Matatandaang noong isang taon ay naiuwi niya ang Starstruck Ultimate Male Survivor title sa tulong ng kanyang fans kaya get-together party sa kanila ang paraan ng kanyang pasasalamat. Ngayong 2017, inaabangan ang kanyang unang solo album sa ilalim ng GMA Records at umaasa siyang tuluy-tuloy ang kanilang pagsuporta.

[gallery ids="218133,218132,218131"]