Hindi dumalo si Vice President Leni Robredo sa unang Vin d’Honneur ni Pangulong Duterte nitong Martes makaraang alisin siya ng Malacañang sa guest list.

Ayon sa tagapagsalita ng Bise Presidente na si Georgina Hernandez, Disyembre 28, 2016 nang natanggap ng Office of the President ang email ng imbitasyon para sa Vin d’Honneur.

Ngunit nitong Enero 4, “Malacañang called the office to retract the invitation,” saad sa pahayag ni Hernandez sa media.

Sinabi ni Hernandez na binawi ang imbitasyon kay Robredo dahil ang “guest list was limited”.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa Malacañang, pinangunahan ni Duterte ang tradisyunal na Vin d’Honneur sa pamamagitan ng toast para sa mga pinuno ng bansa at diplomatic community. Nangako ang Pangulo na palalayain ang mga Pinoy sa pagkaalipin, ilegal na droga, kurapsiyon at kriminalidad.

Matatandaang nagbitiw sa Gabinete ni Duterte si Robredo matapos siyang pagbawalang dumalo sa mga cabinet meeting.

(Raymund F. Antonio)