Ipinasa ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nag-aatas sa mga unibersidad at kolehiyo na lumikha ng Safety and Security Council (SSC) para pangalagaan ang mga mag-aaral at miyembro ng academic community sa mga pang-uumit, pagnanakaw, panggagahasa, at iba pang uri ng karahasan sa loob at labas ng campus.
Nakasaad sa House Bill 4100 (“Campus Safety and Security Act”) na tungkulin at pananagutan ng SSC na irekomenda sa paaralan, kolehiyo o unibersidad na magsagawa ng mga seminar at pagsasanay sa pagsugpo sa krimen at droga.
(Bert de Guzman)