Nabulabog ang mga residente malapit sa national police headquarters sa Camp Crame, Quezon City matapos masilayan ang isang improvised explosive device.

Ngunit ang bomba, na binubuo ng isang dinamita na may timer at natagpuan ng kolektor ng basura, ay peke, ayon kay Supt. Edwin Ellazar, officer-in-charge sa Operating Division of the Explosive Ordinance Division ng Philippine National Police (PNP).

“It has no capability to explode simply because there was no explosive inside,” pahayag ni Ellazar sa mga reporter matapos siyasatin ng police bomb experts ang IED.

Ngunit hindi pa malinaw kung ito ay iniwan upang gawing panakot sa mga tao o posibleng ito ay tinapon ng isang trainee para sa bomb disposal course.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We were alarmed because it has a timer, it is similar to the bombs that we would see in the news,” ayon sa residenteng si Telina Sica. (Aaron Recuenco)