aileen-at-bryan-copy

SA tuwing may press conference ang Megasoft Hygienic Products, Inc. ay hindi puwedeng hindi namin kapanayamin ang isa sa mga may-ari at marketing manager nito na si Ms. Aileen Choi Go.

Diretso kasing kausap si Ms. Aileen at inaamin niya kung saan mahina at kung paano nila pinapalakas ang benta ng mga produkto nila.

“Sa Luzon medyo mahina kasi ‘yung market masyadong malaki, malawak, talagang dapat ito ang i-explore namin at saka medyo maraming island.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Malakas kami sa Visayas and Mindanao kasi doon naman kami nag-umpisa kasi may planta kami sa Cagayan de Oro, kaya siguro kilala na at ‘yung branding nandidiyan na. Ang tagal na namin sa VizMin, since 2000, the year na nagsimula ang Megasoft kaya 16 years na kami going 17 this 2017.

“Naging mas maingay kami nu’ng ginagawa namin ‘yung ganito, may presscon, may provincial tours, pag-iikot kasama ‘yung mga endorser,” kuwento ni Ms. Aileen.

Mas nakilala sila nang magkaroon na ng TV commercial.

“Yes, ‘yung sa Sisters Sanitary Napkin ni Erich (Gonzales), parang hindi masyado at saka mahal,” natawang sabi pa ng mabait na business executive.

Kaya sa halip daw na ibayad nila sa TV ad ang milyones na presyo ay paglilibot na lang sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang ginagawa nila kasama ang endorsers kaya nakakatipid sila.

“Siyempre mas pagod nga lang itong ginagawa naming paglilibot, pero mas masaya at mas nakikita namin ang reaksiyon ng tao. Mas lumaki ang sales namin, lumawak ‘yung nararating ng products namin through paglilibot sa mga bara-barangay.

Hindi naman ako gagastos ng ganu’n kung walang returns,” pagtatapat niya.

Hindi hadlang ang mga napapabalitang kaguluhan sa Visayas at Mindanao kay Ms. Aileen at sa mga staff niya para maglibot doon.

“Hindi naman, nakarating na ako hanggang Basilan, okay naman. Siyempre quite lang, siguro advantage ko marunong akong mag-Bisaya. Kapag pupunta ako sa mga ganu’ng lugar, hindi ako natatakot. Saka marami na akong kakilala,” nakangiting sabi ni Ms, Aileen.

Inamin niya na nahihirapan silang pasukin ang ibang malalaking supermarkets dahil may mga nakapuwesto nang kapareho ng produkto nila.

“Ang mayroon na sa lahat ng supermarkets at groceries ay ang Sisters Sanitary Napkin na ini-endorso ni Myrtle Sarroza, Super Twins na ang pamilya ni Jolina Magdangal ang endorsers ngayon. Ang mga wala pa ay ang Twins Lampein baby comfort at Cherrubs baby care wipes at may bago kami, ‘yung Fastclean detergent powder, Grand Adults diapers at pinakabago ‘yung Mega Soft tissue sa Mercury, Watsons, Rustan’s, Robinsons at may iba pa. Hindi rin kasi ganu’n kabilis makapasok, siyempre competition din.”

Pero naniniwala siya na mabibigyan din sila ng pagkakataon lalo’t sumisikat at hinahanap na ng consumers ang mga produkto nila.

Nang itanong namin kung bakit si Bryan Termulo ang kinuha nilang latest ambassador ng produkto nila gayong pambabae lahat ito: “Actually, hindi naman the product per se, it’s the whole Megasoft products, siya ‘yung on top. Ito kasi ang requirement namin na dapat graduate at marunong magsalita sa tao kasi siyempre pino-promote niya ‘yung product, bonus na ‘yung marunong siyang kumanta.

“’Pag nagsasalita siya, siya ‘yung pinakakuya ng students. ‘Pag nagsasalita siya sa stage, nakikinig talaga ‘yung mga estudyante sa kanya, may command siya, para siyang teacher talaga. Buong school nakikinig sa kanya,” paliwanag ni Ms Aileen.

“Nagsimula lang sa guestings (sa provincial shows nila), so ino-observe ko siya. Everytime na magkakasama kami every month, nakikita ko na ang galing niya, magaan pang kasama. Kaya naisip ko, gawin na lang siyang ambassador ng company.” (Reggee Bonoan)