CABANATUAN CITY - Hiniling ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa bawat barangay sa bansa na tumulong sa kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian, kriminalidad at ilegal na droga.

Kaugnay nito, sinabi ni DILG Secretary Ismael Sueño na nangangailangan ang kagawaran ng volunteers at iba pang stakeholders sa bawat barangay sa pagbuo ng grupo na tatawaging Masa MASID o Mamamayang Ayaw Sa Ilegal na Droga.

“We are banking on the participation of the common people and faith-based organizations to spark the spirit of volunteerism in all 42,000 barangays in the Philippines so we can address the long-standing battle against drugs, corruption, and criminality this year,” ani Sueño. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?