CHICAGO (AFP/AP) – Nagsalita si President Barack Obama sa Amerika at sa mundo sa huling pagkakataon bilang pangulo noong Martes.

Tinapos ang kanyang walong taon sa White House, nagbalik si Obama sa kanyang adoptive hometown, ang Chicago, upang palitan ang kanyang ‘’yes we can’’ campaign credo ng ‘’yes we did.’’

Madiin at minsan ay nakakaiyak, ang valedictory speech ni Obama ay public meditation sa maraming pagsubok na kinakaharap ng US sa kanyang pag-alis. Para sa mga bagong hamon, nagbigay si Obama ng kanyang pananaw kung paano malalagpasan ang mga ito, at sa mga umiiral na problema na hindi niya nalutas, nagbigay siya ng pag-asa na mapagtatagumpayan din ang mga ito.

“Yes, our progress has been uneven,” sabi ni Obama sa 18,000 kataong nagtipon. “The work of democracy has always been hard, contentious and sometimes bloody. For every two steps forward, it often feels we take one step back.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inilista ang landmarks ng kanyang panguluhan – mula sa Iran nuclear deal hanggang sa pagrereporma sa healthcare -- sumentro ang kanyang talumpati sa pagpapalakas sa loob ng kanyang mga tagasuporta na nagulat sa pagkakahalal ni Donald Trump.

‘’For all our outward differences, we are all in this together,’’ aniya, nagbabala na ang partisanship, racism, at inequality ay mga banta sa demokrasya. ‘’We rise or fall as one.’’

Bilang unang black president ng US, inamin ni Obama na nagkaroon ng pag-asa nang mahalal siya noong 2008 para sa post-racial America.

“Such a vision, however well-intended, was never realistic,” ani Obama, gayunman, iginiit niya na mas mabuti na ngayon ang race relations.

Dumalo sa okasyon sina First Lady Michelle Obama, Vice President Joe Biden at asawang si Jill – na inilarawan ng pangulo na kanyang ‘’family’’ .

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, pinahid ni Obama ang kanyang luha at pinuri ang kanyang pamilya – ang mga anak na sina Malia at Sasha at ang first lady.

‘’You took on a role you didn’t ask for and made it your own with grace and grit and style and good humor,’’ aniya.

‘’A new generation sets its sights higher because it has you as a role model. You’ve made me proud. You’ve made the country proud.’’