UNITED NATIONS (AFP) – Nanawagan si UN Secretary-General Antonio Guterres noong Martes ng bagong diskarte upang maiwasan ang mga digmaan at nangakong palalakasin ang mediation capacity ng pandaigdigang samahan upang matugunan ang mga sigalot sa mundo.

Sa kanyang unang pagtalumpati sa Security Council simula nang maupo sa puwesto, sinabi ni Guterres na napakaraming oras at pondo ang naubos sa pagtugon sa mga krisis sa halip na iwasan ang mga ito.

“People are paying too high a price,” aniya.”We need a whole new approach.”

“Today, we need to demonstrate leadership, and strengthen the credibility and authority of the United Nations, by putting peace first,” diin niya.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture