Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa international community na sama-samang kumilos at protektahan ang sangkatauhan laban sa banta ng terorismo.

Hiniling ng Pangulo ang mas matibay na pagtutulungan para labanan ang Islamic State sa New Year reception niya para sa diplomatic community sa Malacañang noong Miyerkules ng gabi.

“I just finished reading the other night ISIS, it’s a book and it says there a lot of things of the state of our…so I hope we can get together, act together, and just to preserve mankind,” sabi ni Duterte.

Ito ang pakiusap ni Duterte matapos magbigay ng mensahe at toast sa tradisyunal na Vin d’Honneur reception na dinaluhan ng mga diplomat, mambabatas at matataas na opisyal ng pamahalaan.

VP Sara may sagot sa umano'y impeachment niya: 'If I get impeached, that's it!'

Nangako ang Pangulo na pagtitibayin ang relasyon sa mga dati nang kaalyado at isusulong ang magandang ugnayan sa mga bagong kaibigan. Nangako rin siya na palalayain ang mga Pilipino mula sa pagkakaalipin ng droga, korupsiyon at kriminalidad. (Genalyn D. Kabiling)