Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na kasuhan ang pitong opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa Davao City kaugnay sa bidding scam noong 2005.

Kabilang sa pinasasampahan ng multiple graft case sina dating DA-Regional Executive Director Roger Chio; Romulo Palcon, dating Regional Technical Director; Alma Mahinay, dating hepe ng Finance Division; Godofredo Ramos, Administrative Officer; Onofre Nugal, Hepe ng Agricultural Engineering Division; Jamie Bergonio, dating Chief Agriculturist, at Isagani Basco, dating Chief Administrative Officer.

Natuklasan na ang mga nabanggit ang lumakad sa pagbili ng 100 unit ng multimedia system na may computer set na nagkakahalaga ng P10,000,000.00, water system material na aabot sa P2,591,435.40, 81 unit ng personalized 10 x 20 livelihood tent na aabot sa P2,496,582.00 na may kabuuang P15,088,017.40

Ayon sa Ombudsman, hindi sumunod ang mga opsiyal sa bidding procedure na nakasaad sa Government Procurement Reform Act (Republic Act No. 9184). (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?