Enero 11, 1978 nang mapanalunan ng “Song of Solomon” ni Toni Morrison ang National Book Critics Circle Award at parangalan si Morisson sa unang pagkakataon. Ang nobela, na inilathala noong 1977, ay tungkol sa istorya ng buhay ni Macon “Milkman” Dead III, isang African-American na tumira at lumaki sa Michigan.

Isinilang si Morisson, Chloe Anthony Wofford ang tunay na pangalan, sa Lorain, Ohio at nagtapos ng pag-aaral sa Howard University. Kumuha ng master’s degree sa literatura sa Cornell na ‘di nagtagal ay nagturo ng English at nagtrabaho bilang editor sa Random House.

Bago pa man parangalan si Morisson, isinulat at inilathala na nito ang “The Bluest Eye” (1969) at “Sula” (1973).

Inilathala naman ang Tar Baby (1981), 1988 Pulitzer Award-winning “Beloved” (1987) at Jazz (1992) matapos niyang isulat ang “Song of Solomon.”

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Nagkamit din si Morrison ng Nobel Prize sa Literatura noong 1993 – ang unang African-American na nagkamit ng parangal at ang unang babaeng Amerikano na nabigyan ng parangal sa loob ng mahigit 50 taon.