WASHINGTON (Reuters, DailyMail) – Kabilang sa classified documents na iprinisinta ng apat na US intelligence agency kay President-elect Donald Trump noong nakaraang linggo ang mga alegasyon na ang Russian intelligence operatives ay may hawak na “compromising information” tungkol sa kanya.

Sinabi ng dalawang U.S. officials noong Martes ng gabi na nakapaloob ito sa memo na kalakip ng report sa pangingialam ng mga Russian sa 2016 election na ibinigay kina Trump at President Barack Obama noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat ng DailyMail, kabilang sa mga hawak ng Russians ang diumano’y video footage ng president-elect na nanonood ng malaswang ginagawa ng mga prostitute sa silid ng isang hotel sa Moscow.

Sumagot si Trump noong Martes din sa pamamagitan ng isang tweet na tinawag ang mga ulat na: “FAKE NEWS - A TOTAL POLITICAL WITCH HUNT!”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Patuloy na iniimbestigahan ng Federal Bureau of Investigation at iba pang U.S. agencies ang kredibilidad ng mga pahayag.