Iniurong ng Sandiganbayan ang pretrial sana kahapon ni dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima sa kasong graft kaugnay sa maanomalyang courier service deal noong 2011.

Matapos kanselahin ang pagdinig, kaagad itinakda ng 6th Division ng anti-graft court ang bagong petsa sa Abril 18, upang pagbigyan ang hiling ng prosekusyon na karagdagang panahon sa pagmamarka ng mga documentary evidence.

Nag-ugat ang kaso ni Purisima sa pinasok na maanomalyang kontrata sa courier service company na Werfast Documentary Agency, Inc. para sa delivery ng mga lisensya sa baril ng mga aplikante noong 2011. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'