Ibinasura ng korte ang election protest laban sa nanalong alkalde ng Bocaue, Bulacan na si Mayor Joni Villanueva-Tugna.
Sa desisyon ni Judge Herminigildo Dumlao II, ng Bulacan Regional Trial Court (RTC) Branch 81 sa Malolos, pinagtibay ang pagkapanalo ni Tugna laban sa mahigpit nitong nakatunggali na si Jim Valerio.
Ayon sa korte, nabigo ang petitioner na magsumite ng detalye kung paano nagawa ang iginigiit nitong iregularidad sa eleksiyon noong Mayo 2016.
Hindi rin umano inilahad ni Valerio ang pangalan ng mga indibiduwal o grupo na gumawa ng sinasabing pandaraya.
Kapwa nakakuha ng 16,694 na boto sina Tugna at Valerio at nauwi sa toss coin ang pagdedeklara ng halal na opisyal ng bayan. (Beth Camia)