SEOUL, South Korea (AP) – Namatay ang isang South Korean Buddhist monk matapos silaban ang sarili bilang protesta sa pakikipagsundo ng bansa sa Japan kaugnay sa mga dating Korean sex slave.
Sinunog ng 64-anyos na monghe ang kanyang sarili sa rally noong Sabado laban kay President Park Geun-hye. Sa kanyang kuwaderno na natagpuan sa lugar, binatikos niya kasunduang pinasok ni Park upang maayos ang impasse sa mga babaeng Korean na ginawang sex slaves ng mga sundalong Japanese noong World War II kapalit ng paghingi ng twad at milyun-milyong dolyar na tulong.
Sinabi ng Seoul National University Hospital kahapon na namatay ang monghe noong Lunes dahil sa multiple organ failures dulot ng kanyang mga paso.